Connect with us

Aklan News

LGU MALAY, IKINATUWA ANG PAG APRUBA NG SALIVA TEST SA BORACAY

Published

on

Photo Courtesy| Fromy S. Bautista/FB account

Inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Malay na mas dadami pa ang mga turistang magbabakasyon sa isla ng Boracay ngayong aprubado na ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang paggamit ng saliva test bilang alternatibo sa nasal swab.

Nagpasalamat si Malay Mayor Frolibar Bautista sa BIATF sa pag apruba nito dahil isa ito sa mga nakikita nilang makakatulong sa pagbangon ng industriya ng turismo sa isla.

May humigit kumulang 700 tourist arrivals na ang naililista kada araw simula pagpasok ng Marso at mayroon ng 10, 708 na mga turista na pumasok sa Boracay mula Marso 1-14, 2021.

Maliban sa saliva test, kabilang din sa estratehiya ng pamahalaan ang paghiling sa IATF na isama sa mga prayoridad sa vaccine roll out ang mga nagtatrabaho sa sektor ng turismo sa Boracay.

Binanggit din ng alkalde kahapon sa isang virtual press conference na hindi naman apektado ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa Metro Manila ang turismo sa isla.

“The surge is quite alarming but as far as Boracay is concerned, we are sticking to our QR system to ensure that tourist coming from Manila is ensured that they are free from COVID-19,” saad ni Bautista.

Katunayan aniya, naghahanda na ngayon ang Korean Market at nakikipag-ugnayan na sa mga hotels. Pero kailangan muna itong dumaan sa IATF.

Hinihintay nalang ang Executive Order ni Aklan Governor Florencio Miraflores para sa implementasyon ng saliva test.