Aklan News
LGU-Malay mahigpit na nagbabantay vs illegal tour guides sa Boracay Island
Mahigpit ngayong binabantayan ng lokal na pamahalaan ng Malay ang dumadaming illegal tour guides kasabay ng pagbabalik-sigla ng industriya ng turismo sa isla ng Boracay.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Mayor Frolibar Bautista, inihayag nito na sa pamamagitan ng kanilang mga suot ng IDs ay matutukoy kung sila ay mga lehitimong tour guides.
Aniya pa, maliban kasi sa local tour guides ay mayroon pang tour coordinators na siya namang namamahala sa mga sports activities.
Binalaan naman ng alkalde ang mga mahuhuling illegal tour guides na sila ay pagmumultahin.
Binigyan-diin ni Bautista na bago maging isang tour guide sa Boracay ay kailangan munang sumailalim sa mga training at seminar na isinasagawa ng lokal na pamahalaan.
Continue Reading