Connect with us

Aklan News

LGU MALAY, PAYAG SA PAGTATAG NG BORACAY DEVELOPMENT AUTHORITY

Published

on

Walang nakikitang problema ang LGU Malay sa planong pagtatag ng Boracay Island Development Authority (BIDA).

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, malaki ang maitutulong nito sa isla dahil kasama sa mga bubuo ng BIDA ang mga kalihim ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno na siguradong malaki ang maiaambag sa pagpapanatili ng kaayusan sa Boracay.

Aniya, sa illaim ng Senate Bill No. 17, magkakaroon ng sariling Board of Directors ang BIDA at kasama naman dito ang isang representante ng Aklan province, LGU Malay at ilang mula sa local community organizations o non-government organizations.

Kung tatanungin si Bautista, dapat aniya na may kakayahan, eksaktong kaalaman at puso ang maitatalagang manager o administrator ng BIDA.

Ang pagtatag ng BIDA ay isinulong ni Senator Franklin Drilon sa ilalim ng Senate Bill No. 17.