Aklan News
LGU MALAY PLANONG UMUTANG NG P800 MILLION SA LANDBANK OF THE PHILIPPINES
Planong umutang ang lokal na pamahalaan ng Malay ng P800 milyon sa Landbank of the Philippines para pundohan ang Malay diversion and lateral road, intermodal transport terminal at pagbili ng mga heavy equipments.
Sa inaprobahang Municipal Ordinance No. 439 series of 2020 ay binibigyan ng Malay Sangguniang Bayan ang punong ehikutibo ng kapangyarihan para pumasok sa isang Loan Program for Local Government Units sa Landbank of the Philippines alinsunod sa Section 297 ng Local Goverment code of 1991.
Samantala, hahatiin naman sa tatlong proyekto ang nasabing halaga.
P350 million para sa Malay diversion and lateral road, P350 million sa intermodal transport terminal at P100 million sa acquisition of heavy equipments.
Babayaran naman ito ng lokal na pamahalaan sa loob ng labinlimang taon kasama ang isang taong grace period on principal payments habang collateral o garantiya naman ang 20 percent Internal Revenue Allotment (IRA).
Ayon naman sa LGU Malay ang nasabing mga proyekto ay mga development projects on local infrastructure and other socio-economic development projects na nakapaloob sa aprobadong supplemental investment program ng Malay nitong nakaraang taon at suportado diumano ng Tourism Masterplan na inihanda ng Municipal Development Council katuwang ang palafox Associates.