Connect with us

Aklan News

LGU MALAY: WALA NG FREE TRANSPORT SA PRIVATE WORKERS

Published

on

Malay, Aklan – Mula ngayong araw ay inihinto na ng Local Government ng Malay ang libreng transportasyon para sa mga private workers sa mainland Malay at Boracay island.

Ayon kay Acting Mayor Frolibar Bautista, dapat ay ang mga employer na ang magprovide ng transportasyon sa kanilang mga empleyado at mahigpit nang ipatutupad ang probisyon ng Executive Order No. 015-A, 2020:

” Lahat ng establisimyento public man o private na hindi magsasara sa gitna ng Enhanced Community Quarantine ay hinihikayat na magbigay ng transportasyon/masasakyan sa kanilang mga empleyado at manggagawa papunta at pauwi sa trabaho.

Alinsunod dito, simula April 16, 2020, ang LGU Malay ay hindi na magbibigay ng free transportation sa mga manggagawa ng mga private establishments na patuloy ang pagpasok sa trabaho.

Lahat ng employer ay pinapayuhan at hinihikayat na magbigay ng land transport para sa kanilang mga manggagawa at empleyado; pati ang pakikipag-ugnayan sa CBTMPC para sa kanilang pagbayad sa pamasahe sa bangka.

Sa ngalan ng Bayanihan, ako po ay humihingi ng inyong tulong para tulungan ang inyong mga manggagawa at empleyado”.

Idinagdag din na paglilinaw na ang ibinibigay na free transportation ng LGU Malay at CBTMPC ay magpapatuloy pa rin. Ngunit ang seserbisyohan lamang nito ay mga frontliners at mga residente na nangangailangan ng gamot at mamamalengke.