Aklan News
LGU-NUMANCIA, NAGBIGAY NG SCHEDULE SA PAGRELEASE NG CERTIFICATION SA PAG-PUNTA SA KALIBO
Nagbigay na ng schedule ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Numancia sa pamimigay ng certification para sa pag-punta ng bayan ng kalibo, alinsunod ito sa pina-labas na Executive Order o EO No.45 2020 ng LGU Kalibo.
Mag-uumpisa ang pag-release sa Mayo 7,2020 ngayong araw.
May mga inilatag rin na schedule sa labing pitong barangay sa nabanggit na bayan.
No Quarantine Pass, no I.D at no Face mask, ito rin ang mahigpit na pinatutupad ni Mayor Jeserel Templonuevo.
Anya 20 slots lamang ang mabibigyan kada araw.
Narito ang mga naka-schedule na barangay;
Lunes- Brgy. Navitas, Albasan, Dongon East, Dongon West at Badio.
Martes- Brgy. Aliputos, Joyao-Joyao, Poblacion, Tabangka, Marianos at Laguinbanwa West
Miyerkules- Brgy. Bubog, Laguinbanwa East, Camanci Sur, Camanci Norte, Pusiw at Bulwang.
Huwebes- Brgy. Navitas, Albasan, Dongon East, Dongon West at Badio.
Biyernes- Brgy. Aliputos, Joyao-Joyao, Poblacion, Tabangka, Marianos at Laguinbanwa West.
Sabado- Brgy. Bubog, Laguinbanwa East, Camanci Sur, Camanci Norte, Pusiw at Bulwang.
Lunes hanggang sabado lamang ang pag-release ng certificate.