Connect with us

Aklan News

LGU Numancia, umapela kay DILG Sec. Año ng konsiderasyon sa trike ban

Published

on

File Photo/Diadem Paderes/Radyo Todo

Numancia, Aklan – Umapela ang pamahalaang lokal ng Numancia kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año hinggil sa tuluyang pagbawal ng mga tricycle na bumiyahe sa national highway.

Sa panayam kay SB member Jerome Vega ng Numancia, pinahayag nito ang kanilang pag-aalala sa kanilang mga nasasakupan dahil sa trike ban.

Paliwanag ng konsehal, walang alternatibong ruta mula sa Numancia patungo sa bayan ng Kalibo kung kaya’t nag-apela sila kay Sec. Año na payagan ang mga tricycle na bumiyahe sa Numancia sa pamamagitan ng isang resolusyon.

A Resolution Respectfully Requesting For Reconsideration From The Hon. Eduardo M. Año, Secretary Department of Interior and Local Government to Allow The Local Government Unit of Numancia, Aklan an Exemption For Two Years From Implementing DILG Memorandum Circular 2020-036 in The Territorial Jurisdiction of The Municipality of Numancia, Province of Aklan While the Local Government is Formulating Its Tricycle Route Plan and implementing the same in its Transition Period.”

Nakasaad sa resolusyon na halos lahat ng mga barangay sa nasabing munisipalidad ay nasa kahabaan ng national highway.

Hindi rin aniya problema sa lugar ang trapiko at traysikel ang pangunahing sasakyan na gamit sa tranportasyon ng mga residente.

Iginiit din nito na ang problema sa Manila ay hindi kapareho sa problema sa mga probinsya gaya ng Aklan at munisipalidad ng Numancia.

Dagdag pa ni Vega, gumagawa na sila ngayon ng tricycle route plan na isusumite sa DILG.

Umaasa ngayon ang lokal na pamahalaan na bibigyang konsiderasyon ng kalihim ang kanilang hiling para na rin sa lahat ng kanilang mga nasasakupan.