Connect with us

Aklan News

LIBANG BRGY. COUNCIL, NILINAW ANG ISYUNG PAMBOBOYCOTT SA INAGURASYON NG KONTROBERSYAL NA LIBANG COVERED COURT

Published

on

PHOTO| Libang Elementary School

Ipinaliwanag ni Libang Brgy. Captain Maria Victoria Tagala ang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa inagurasyon ng Libang Multi-Purpose Covered Court nitong Linggo, Nobyembre 14 sa bayan ng Makato.

Ayon sa kapitana, nagulat na lamang siya nang malaman nito lang Sabado alas-7:00 ng gabi na may magaganap na inagurasyon ng kanilang covered court sa Linggo.

Bago kasi ito ay nagtanong-tanong na siya kung talaga bang may magaganap na inagurasyon o kung matutuloy ito pero wala siyang natatanggap na maayos na sagot.

Paglilinaw pa ng punong barangay, naka-schedule na ang kanyang appointment sa kanyang doktor sa araw ng Linggo para sa kanyang medikasyon bago niya malaman ang tungkol dito.

Humingi naman raw siya ng paumanhin sa isang konsehal ng Makato dahil hindi siya makadadalo sa inagurasyon at bago umalis noong Linggo ay dumaan pa siya sa venue para ihabilin na asikasuhin ang mga darating na bisita.

Kaugnay nito, nilinaw din ni Tagala na ang naganap na blessing at turn-over ng covered court kahapon ay dalawang linggo nilang pinaghaandaan.

Imbitado sa dito si dating Congressman Gary Alejano ng Magdalo Partylist.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Alejano, mariing pinabulaanan din nito ang isyung inaako nila ang nabanggit na proyekto.

“Never in the history sa Magdalo nga naga ako kami sang project, in fact most of our projects ay ginaako ng ibang pulitiko, because hindi naman kami halos nakikialam ng mga proyekto once na na-implement yung project, it’s up to the implementing agency to implement the project,” lahad niya.

Saad pa niya, kaya nilang patunayan mula sa kanilang track records na sa Magdalo ang nasabing proyekto.

“We’re clear kung anong mga projects ang aming finacilitate, because we want to help the people and yung isyu na inako naman ito, in the first place I traveled far from Negros to inaugurate this project, pag alam kong hind isa amin yan, hindi ako pupunta, so hindi totoo yan,” dagdag pa niya.