Connect with us

Aklan News

LIBRE SAKAY PROGRAM NG LTFRB, INALMAHAN NG MGA PUV AT PUJ DRIVERS DAHIL NAWAWALAN SILA NG PASAHERO

Published

on

Photo Courtesy: Kalibo Cable News/Screengrab on YouTube

Inalmahan ng ilang mga Public Utility Vehicles (PUV) drivers at Public Utility Jeepney (PUJ) drivers ang Libreng Sakay para sa mga frontliners at Authorized Person Outside Residence (APOR) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa mga draybers na nakapanayam ng Radyo Todo sa programang Todo Latigo, lubos silang naapektuhan ng naturang programa dahil nawawalan sila ng pasahero.

Pati raw kasi ang mga hindi frontliners ay pinapasakay ng mg ito kaya halos wala na silang kita sa pamamasada.

Sinuspende ng LTFRB ang programa nitong Hulyo 1 matapos mapaso ang Recover as One Act or Bayanihan.

Gayunpaman, nagpatuloy ang phase 2 ng programa ngayong Setyembre 16 na iniimplementa sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act na may P3 bilyong pondo.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur P. Tugade, expanded na ang Service Contracting Program Phase 2 at saklaw na nito ang buong bansa.

Noong phase 1 kasi ay limitado lamang aniya ang operasyon nito pero ngayon ay mas pinalawak pa nila ang coverage ng programa.

Batay sa datos ng DOTr, nasa mahigit 31 milyong Pilipino ang nakabenepisyo sa Libreng Sakay Program ng ahensya, samantala nasa P1.5 bilyon naman ang kabuuang pay-out sa mga operators at draybers na lumahok sa programa.