Aklan News
Libreng legal assistance sa mga biktima ng illegal recruitment tulong ni Contretras
Nag-alok ng libreng legal assistance sa mga biktima ng illegal recruitment si Gob. Nonoy Contretras matapos ang pakikipagpulong sa kanila araw ng Lunes.
Nabatid na pinangakoan ng ng Php170,000 na sweldo ang mga biktimang lalaki at Php130,000 naman ang mga babae na magtratrabaho sana bilang factory worker sa Busan South Korea.
Nasa 250 na individual ang nagbayad na ng kabuuang Php73,700 bawat isa sa recruiter na si Ramelyn Andrade na may live-in partner na isang Koreano na kinilalang si Kim Tae Yong.
Napag-alaman na nagsimula ang recruitment sa kanila noon pang Hulyo 2019 pero ilang beses na umanong na-delay ang kanilang.
Dahil dito nagduda na ang mga biktima at nagkasundo na magreklamo sa Roxas City PNP.
Lubog sa utang ang mga biktima. Ang ilan nagbenta pa ng kanilang ari-arian at nagbitiwa sa trabaho dahil sa pag-asang makakapagtrabaho abroad.
Ipanatawag ni Gob. Contretras ang mga biktima at nag-alok ng tulong sa pamamagitan ng Legal Office ng probinsiya para magsampa ng kaso laban sa kanilang recruiter.
Ayon sa gobernador sa pamamagitan nito ay maibsan na ang pasanin ng mga biktima bagay na lubos na pinasalamatan ng mga biktima.