Aklan News
Libreng menstrual kit, ipinamamahagi sa mga babaeng empleyado ng LGU Tangalan
Sinimulan na ng LGU Tangalan ang pamamahagi ng libreng menstrual kit para sa lahat ng kanilang babaeng empleyado para sa buwan ng Enero.
Ang naturang kit ay may lamang sanitary napkin, feminine wash at panty liner.
Ito ay sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 2022-214 ni Vice Mayor Gene T. Fuentes.
Maliban sa free menstrual kit, maaaring makapag-avail ang mga babaeng empleyado ng 2 days work-from-home arrangement kapag mayroon silang buwanang dalaw.
Continue Reading