Connect with us

Aklan News

Libu-libong kapulisan at iba pang force multipliers, ipinakalat na para sa Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2024

Published

on

NAG-DEPLOY na ng libu-libong kapulisan ang Aklan Police Provincial Office (APPO) para masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa weeklong celebration ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2024.

Kaninang umaga, Enero 16 isinagawa ang send-off ceremony at blessing ng mga security forces para sa nasabing selebrasyon.

Ayon kay PCPL. Leonelyn Artes, Public Information Office ng Aklan PPO, ang mga PNP augmentation force ay nagmula sa Police Regional Office (PRO) 6 at naka-deploy na sa kani-kanilang mga designated areas.

Saad pa ni Artes, hindi lamang sa bayan ng Kalibo ide-deploy ang naturang mga kapulisan kundi sa iba pang mga bayan sa Aklan na nagdiriwang ng Ati-atihan Festival.

Kaugnay nito, tiniyak ng Aklan PPO ang serbisyo ng mga kapulisan sa naturang selebrasyon ngayong taon.