Aklan News
“LIGTAS SUMVAC 2022” NG PNP, TARGET NA MASUNOD ANG MINIMUM HEALTH PROTOCOL AT PEACE AND ORDER SA MGA TOURIST DESTINATION
TARGET ng Philippine National Police (PNP) na masunod ang ipinapatupad na minimum health standard at peace order sa mga tourist destination sa kanilang ikinasang Ligtas Sumvac 2022.
Ayon kay P/Major Willian Aguirre ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na matagal na itong inilunsad ng PNP kung saan nagging ‘best practice’ na nila ito.
Aniya pa, ang kanilang Ligtas SUMVAC ay layuning maging ligtas ang pagbiyahe ngayong bakasyon dahil nalalapit na ang Semana Santa.
Inaasahan kasi nilang mas dadami pa ang mga turista at bakasyunistang tutungo sa ilang mga tourist destination gaya ng isla ng Boracay sa lalawigan ng Aklan ngayong nasa alert level 1 status.
Saad pa ni Aguirre na kasama nila sa nasabing programa ng PNP ang lahat ng mga law enforcement unit na mangangasiwa sa Tourist Assistance Desk na tutugon sa mga reklamo ng mga turista.
Maliban dito, kaagapay din ng pulisya ang Department of Tourism (DOT) sa paggawa at pagbigay ng safety tips sa mga turista.
Samantala, magsasagawa rin ng regular na inspeksyon at mobile patrols sa mga tourist site, kasama ang implementasyon ng maximum police visibility sa mga lugar na madalas puntahan ng mga tao, tulad ng terminals.