Aklan News
Limang pwesto sa Numancia Public Market, ninakawan
Nagulantang ang ilang mga negosyante sa Numancia Public Market matapos nilang mapansin na kulang na ang kanilang mga paninda gayundin ang kanilang mga naiwang barya sa kanilang pwesto.
Sa esklusibong panayam ng Radyo Todo sa ilang mga negosyante, nitong Huwebes umano September 19 dalawa sa kanila ang unang nabiktima kung saan natangay ang kanilang panindang mga panakot at iba pang mga gulay.
Samantala sa ngayon namang Biyernes, napansing muli ng mga ito na wala na ang kanilang mga barya na naiwan at iba pang panindang groceries at itlog.
Doon nadiskubreng lima na sa kanila ang nabiktima ng kawatan.
Agad nila itong ini-report sa baranggay at Numancia Municipal Police Station kung saan patuloy ngayon ang paghahanap ng mga CCTV sa lugar para malaman kung sino ang nasa likod ng nakawan.
Napag-alaman, na pansamantalang inilipat muna sa labas ang mga pwesto sa Numancia Public Market dahil under renovation ang loob ng palengke.
Samantala, pinaalalahanan naman sila ng Numancia Pnp na iwasan muna ang mag-iwan ng pera at siguraduhin ang pagsarado ng kanilang mga pwesto.