Aklan News
LIMANG TRANSPORT GROUP SA AKLAN,NAGHAIN NG PETISYON SA SP LABAN SA LTO-6 ENFORCEMENT TEAM
Pormal na naghain ng petisyon sa Aklan Sangguniang Panlalawigan ang limang tranport group sa lalawigan ng Aklan na kinabibilangan ng Caticlan Boracay transport Multi-Purpose Cooperative, Paradise Island transport MPC, Paradise Travel and Transport Services, K’Jad Travel and Tours at MV Shuttle Van .
Kasunod ito ng isinagawang operasyon ng LTO noong February 5,2022 sa national highway ng Barangay Tagbaya, Ondoy at Aquino sa bayan ng Ibajay kung saan ilang mga sasakyan at motorista ang hinuli at na-impound dahil sa ibat-ibang traffic violations.
Ayon sa nasabing transport group, nag-overtake umano at hinarang sa daan ng LTO service vehicle ang mga passenger van na hindi manlang inisip ang kaligtasan ng mga pasahero kung ito ay magresulta sa isang aksidente.
Dagdag pa nila na hindi ang opisyal na service vehicle ng LTO ang kanilang ginamit kundi isang unmark private vehicle.
Wala rin umanong visible road checkpoint signages na nakalatag para sa impormasyon ng publiko na mayroong isinasagawang operasyon ang LTO.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Mr. Godofredo Sadiasa ng CBTMPC, sinabi nito na layunin umano ng nasabing petisyon na maimbestigahan ang naturang insidente ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Sa tatlong pahina na petisyon na inihain sa Aklan Sangguniang Panlalawigan ay inaakusahan nila ang LTO-6 Enforcenent Team ng paglabag sa Section 4, Paragraph C ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and ethical Standard for Public Officials.
Nakatakda namang magsagawa ng legislative inquiry ang Aklan Sangguniang Panlalawigan na pangungunahan ng Committee on Transportation and Communication.