Aklan News
LINEMAN NG ISANG TELCO, NAKURYENTE


Naka confine pa ngayon sa ospital ang line man ng isang TELCO matapos makuryente habang ikinakabit ang kanilang kable sa bahagi ng Toting Reyes St., Poblacion, Kalibo bandang alas 5:45 kahapon ng hapon.
Nakilala sa imbistigasyon ng Radyo Todo ang biktimang si Jemuel Rebutar, 30 anyos ng Dingle, Banga.
Nabatid na ikinakabit noon ng biktima ang kanilang kable nang sumampay umano ito sa live wire ng AKELCO rason ng kanyang pagka kuryete.
Sanhi nito, lumupaypay umano ang biktima habang nasa ladder o hagdanan kung kaya’t niyugyog ito ng kanyang mga kasama hanggang mahulog na kaagad naman nilang nasalo.
Kaagad namang dinala sa ospital ang nahilong biktima na nagtamo rin ng sugat sa kanang braso.
Bagama’t nakatayo naman ang biktima nang madatnan at bigyan ng pangunang lunas ng MDRRMO Kalibo, mirapata parin itong iconfine sa ospital para matiyak ang kanyang kaligtasan.