Aklan News
LIQUOR BAN SA AKLAN, POSIBLENG TANGGALIN
Posibleng tanggalin ang Liqour Ban sa probinsya ng Aklan simula Mayo 16, 2020, ayon kay Atty. Selwin Ibarreta, Provincial Administrator/ Chairman Technical Working Group ng Aklan.
Ayon sa kanya napag-usapan umano sa naganap na meeting/Teleconference ng Inter Agency Task Force kahapon na kinabibilangan ni Governor Joeben Miraflores, PHO at mga mayors na maari nang tanggalin at pahihintulutan na umano ang pag-tinda o pag-benta ng alak pati na rin ang pag-bili.
Dagdag pa nito bawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar at papayagan lamang ito sa loob ng bahay.
Anya may posibilidad rin na limitahan ang dami ng binebenta o bibilhing alak sa mga pamilihan.
Continue Reading