Connect with us

Aklan News

LIQUOR BAN SA AKLAN TINANGGAL NA

Published

on

Photo| Unsplash

Tinanggal na ang liquor ban sa Aklan, batay sa ibinabang executive order ni Governor Florencio Miraflores kasunod ng pagsasailalim sa lungsod sa general community quarantine (GCQ).

Mahigit isang buwan din na ipinatupad ang liquor ban sa Aklan simula nang isailalim ito sa mas mahigpit na quarantine status na MECQ.

Nakasaad sa Executive Order no 022 na ang pagbenta ng alcoholic drinks tulad ng whisky, brandy, gin, rhum, cordial, liquor, cocktail, wine, champagne, vermouth, basi, tuba, saki, beer, at iba pa ay pinahihintulutan na.

Pero bawal ang pag-inom sa mga pampublikong.

Epektibo ang nasabing EO simula Setyembre 8 hanggang Setyembre 30.