Connect with us

Aklan News

Live-in partner ng COVID-19 positive na nasawi: ‘Di totoo na namatay sa COVID ang partner ko’

Published

on

“Hindi po kami naniniwala na sa COVID sya namatay, hindi po yun totoo.”

Ito ang mariing pahayag ng kalive-in partner ng pinakahuling COVID positive sa Aklan na namatay nitong Lunes.

Salaysay nito sa panayam ng Radyo Todo, nagtataka sila kung bakit ganon ang lumabas na resulta dahil matagal ng may sakit ang kanyang partner.

Nitong nakaraang taon, nakitaan di umano ito ng tubig sa kidney na dahilan kung bakit pabalik-balik sila sa ospital para magpa dialysis, maliban dito, mayroon din itong diabetes, asthma at sakit sa puso.

“Last year, may findings na may tubig sa kidney, kaya hindi makapaniwala na covid ang kinamatay, hindi po totoo yun dahil marami na po siya (sakit) may diabetes po siya, may asthma at tsaka yung puso nya po humina yung function.”

Tatlong beses di umano silang pumupunta sa ospital para magpadialysis.

Nitong November 14, dinala siya sa isang pribadong ospital dahil hirap na huminga at puno na di umanong tubig ang kanyang baga.

November 16 ng umaga siya kinuhaan ng swab test at pagkagabi ay lumabas na ang resulta na positibo ito sa COVID-19.

Dahil dito, kinailangan siyang ilipat sa Aklan Provincial Hospital pero sa ambulansya palang ay nahirapan na itong huminga at dineklarang patay pagdating sa ospital.

Ang nasabing pasyente ang ika-9 na COVID positive na nasawi sa lalawigan.