Aklan News
Local hog raisers sa Aklan prayoridad ng business sector sa Boracay Island


PRAYORIDAD ng business sector sa isla ng Boracay ang mga local hog raiser lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy sa lalawigan ng Aklan.
Ito ang napag-usapan sa isinagawang market-matching activity sa Boracay Island nitong Setyembre a-27.
Layunin nitong matulungan ang mga local hog raiser sa Aklan.
Isa kasi sa mga problema ng mga local hog raiser ay ang mababang presyo sa pagbili ng mga traders ng buhay na baboy samantalang ibinebenta ito ng mahal ng mga negosyante pagdating sa palengke.
Kaugnay nito, ang nakikitang solusyon upang matugunan ang problema ng mga hog raisers ay ang pagkakaroon ng tinatawag na right market para sa kanilang mga produkto.
At ang solusyon ay makikita sa tanyag na isla ng Boracay kung saan sentro ng komersiyo at turismo sa lalawigan.
Ikinatuwa naman ito ng Federation of Aklan Livestock and Poultry Raisers Association (FALAPRA) na pinamumunuan ni Engr. Jun Agravante dahil hindi na sila mahihirapan na ibenta ang kanilang produkto.
Ang naturang market-matching activity ay inisyatibo ng Office of Provincial Agriculturist (OPA) at Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) sa ilalim ng Aklan Provincial Government.