Connect with us

Aklan News

LOCAL TAXATION NG LGU, HINDI KUKUNIN NG BIDA

Published

on

Boracay Island- NILINAW ng Technical Working Group ng Boracay Island Development Authority Substitute Bill na wala itong intention na kunin ang taxation power ng Local Government Unit ng Malay.

Ito ang pinaliwanag nina Atty Oscar Palabyad at Ramon Alikpala sa isinagawang BIDA Forum sa Boracay kamakailan.

Ayon sa kanila, walang taxing power ang isang Authority at maliwanag ito sa mga batas na ipinapatupad ngayon ng Department of Finance.

“BIDA is not getting involved in taxation. Even the Economic Zones taxation mechanisms are already being amended in favor of what the Department of Finance wants. Hindi pwedeng pakialaman ng BIDA ang national and local taxes na ini-impose ng LGU Malay”, ayon sa kanila.

Ang paglilinaw ay ginawa dahil sa nakasulat sa substitute bill na Real Property Tax na lang ang maaring singilin ng LGUs sa Boracay island.

Nangangamba ang lokal na pamahalaan na maapektuhan ang kanilang operation at pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan kung mawawala ang kanilang local revenues kagaya ng business tax na malaking bahagi ng kanilang budget.

Nangako naman ang TWG na kanilang aayusin ang nakasulat sa bill para maging mas maliwanag ito.

“It is not the intention of Sec. 20, paragraph B. Kailangan lang ireword ang particular na provision. That particular provision is actually saying na tuloy ang taxations ng LGU. Nilagay po ang provision na yun para hindi magtax ang BIDA”, dagdag ng TWG.

Ang substitute bill ay inaprobahan ng Joint House Committee on Government Enterprises and Privatization at Committee on Local Government noong nakaraang buwan.

Inihahanda na ng Committee Secretariat ang final draft ng Bill na isusumite nila sa House Secretariat para sa pagsalang nito sa plenaryo sa darating na mga araw para sa debate at revisions bago aprobahan ng buong House of Representatives.