Connect with us

Aklan News

Lola nabundol ng motorsiko na minamaneho ng lasing

Published

on

SUGATAN ang isang babaeng senior citizen matapos mabundol ng motorsiklo na minamaneho ng lasing sa New Buswang, Kalibo nitong Linggo ng hapon.

Ang hindi na pinangalanang biktima ay isang 84-anyos na residente ng nasabing lugar habang ang drayber naman ng motor ay 35-anyos na residente ng Andagao, Kalibo.

Ayon sa ilang saksi, nakatawid na umano ang matanda nang mabundol ito ng motorsiklo.

Dahil dito nagtamo sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan at ulo ang biktima na ngayon ay naka-confine sa Aklan Provincial Hospital.

Samantala nagkasundo naman ang magkabilang panig na babayaran nalang ng drayber ng motor ang lahat ng gagastusin sa ospital