Aklan News
LOLA NATUSOK NG BAKAL SA TIYAN
Natusok ng bakal ang isang lola matapos mag-tapon ng basura sa likod ng bahay ng kanyang anak, kahapon ng umaga sa Brgy. Tagas, Tangalan.
Nakilala ang biktimang si Lilia Alag, 72 anyos, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa biktima humawak sya sa sanga ng malunggay upang magtapon sana ng basura ng bigla na lamang umano nabali ito nahulog siya sa isang under construction na bahay na may naka usling bakal.
Ayon Pa sa kanya siya mismo ang humugot sa bakal na tumusok sa kanyang tiyan.
Agad siyang isinugod sa Aklan Provincial Hospital para sa agarang gamutan.
Sa ngayon naka confined ito, at hinihintay na lamang ang operasyon.
Continue Reading