Aklan News
Lola, patay matapos malunod sa ilog sa Altavas


Patay ang isang lola makaraang malunod sa isang ilog sa Ginictan, Altavas.
Natagpuan ang 74 anyos na lola na walang malay sa tabing ilog.
Ayon sa mga rescuer, wala nang pulso at hininga ang biktima nang kanila itong respondihan, nakitaan rin ito ng sugat sa kanyang ilong.
Batay sa pamilya, nakasanayan na ng matanda na pumunta sa ilog tuwing umaga para maglaba.
Paniwala ng pamilya, nadulas ang biktima at aksidente ang nangyari.
Continue Reading