Connect with us

Aklan News

Lolo naka-ICU matapos makuryente dahil sa nakacharge na cellphone

Published

on

Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit o ICU ng Aklan Provincial Hospital ang isang lolo matapos makuryente dahil sa nakasaksak na charger ng cellphone.

Nagtamo ng paso sa kamay ang 70 anyos na biktimang taga Polo, New Washington.

Batay sa ulat, napag-utusan ang biktima ng kanyang apo na tanggalin ang charger ng kanyang cellphone na nakasaksak sa socket.

Sumunod naman ang biktima ngunit nang hugutin niya ang charger ay natanggal ang bakal ng adaptor nito na kanyang nahawakan.

Dahil dito nakuryente ang biktima at nawalan ng malay at kinailangang isugod sa ospital.