Aklan News
Lolo ni Bonna Ambay, labis ang paghihinagpis sa pagkamatay ng dalaga
Labis ang paghihinagpis ng pamilya ni Bonna Hercia Ambay, ang manager ng RD Pawnshop na brutal na pinatay sa bayan ng Kalibo.
Naging emosyonal sa panayam ng Radyo Todo ang lolo at tagapagsalita ng pamilya na si Atty. Ben Candari, sinabi niya na nagkausap pa sila ng kanyang apo at nagpaplano pa sana itong bisatahin siya ngayong kaarawan niya.
Aniya pa, “Ang tanan nga pamilya halos indi makatulog. Daw bad dream bala. It’s like a bad dream na we hope it has end pero natabo. Ang iya kamatayon tama kasakit.”
Kaugnay nito, kinuwestiyon ni Candari ang Lion Heart Security Agency kung bakit tinanggap nila bilang empleyado ang person of interest na si Mark Archie Torrefiel gayong marami na itong criminal records.
“Ngaa nga na employ siya, may problema gid diri ang security agency. Ngaa ang record holder sang mga krimen gin employ pa gid ninyo,” giit nito.
Ngayon ay nangyari na raw ito at hindi na maibabalik pa ang buhay ng kanyang apo kaya hiling nalang nila sa mga otoridad na tutukan at bigyang hustisya ang pagkamatay ng kaniyang apo.
Magugunitang natagpuang duguan at wala ng buhay si Ambay sa loob ng RD Pawnshop nitong Lunes, June 6.
Itinuturing na person of interest sa krimen ang security guard na si Mark Archie Torrefiel na sinasabing huling nakasama ng biktima at huling nakitang lumabas pawnshop batay sa kuha ng CCTV.