Aklan News
Lolo,confine sa ospital matapos matumbahan ng puno ng Acacia sa Numancia
CONFINE sa pribadong ospital ang isang lalaking senior citizen matapos na madaganan ng natumbang puno ng acacia sa loob ng kaniyang bahay sa Tabangka,Numancia madaling araw nitong Linggo.
Naipit ang katawan ng 63-anyos na lolo ng punong kahoy na tinatayang may bigat na halos 2 tonelada.
Agad namang nagtulungan ang BFP, PNP At MDRRMO Numancia kasama ang PDRRMO-Aklan upang ma-rescue ang matanda.
Tumagal naman ng mahigit 3-oras ang isinagawang rescue operation ng mga otoridad para maalis sa pagkaka-ipit ang lolo.
Sa ngayon ay nagpapagaling na ito sa Intensive Care Unit (ICU) ng isang pribadong ospital sa bayan ng Kalibo.
Continue Reading