Connect with us

Aklan News

LOLONG PINATAY SA MALINAO, SUSPEK DIN SA PAGPATAY SA ISANG LALAKING NATAGPUANG WALANG BUHAY NITONG NAKARAANG TAON

Published

on

Posibleng pinagplanuhan ang ginawang pagpatay sa isang 62-anyos na lolo kahapon sa Brgy. Rosario, Malinao.

Sinabi ni PLt. Zacharias R. Rose ng hepe ng Malinao PNP, na maaaring planado ang pagpatay sa biktima dahil may bahagi ng lugar sa crime incident na posibleng pinagtaguan ng suspek habang hinihintay na dumaan ang biktimang si Nonito Nam-ay, ng Sitio Fatima, Brgy. Bulabod, Malinao.

Matatandaang, dead-on-the spot ang biktima nang barilin ng di kilalang suspek habang naglalakad sa gilid ng daan papuntang simbahan.

Sa isinagawang background investigation ng mga pulis, nabatid na isa pala ang biktimang si Nam-ay sa mga suspek sa pagpatay sa isang lalaking natagpuang walang buhay sa Sitio Fatima, nitong Setyembre ng nakaraang taon.

Isa rin ito sa mga nasampahan ng kaso kaugnay sa insidente.

Sa ngayon, tinitingnan ng mga kapulisan ang posibilidad na may kinalaman dito ang naganap na krimen.

Hindi pa ngayon tukoy kung sino ang suspek sa pagpatay kay Nam-ay dahil ayon sa mga saksi, nakasuot ito ng face mask at sombrero.

Nagpapatuloy pa ang manhunt operation ng Malinao PNP para mahuli ang salarin na responsible sa krimen.