Connect with us

Aklan News

LOTTO, KENO, STL AT SCRATCH-IT, BALIK-OPERASYON NA SA HUWEBES

Published

on

Photo| Philippine Star

Pinayagan na ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang operasyon ng Lotto, Keno, Scratch-It at Small Town Lottery (STL) sa Aklan.

Batay sa bagong Executive No. 022-A, Series of 2021, pinahihintulutan na ang mga nabanggit na legal games sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong nasa General Community Quarantine (GCQ) na ang Aklan.

Nauna rito, hiniling ng PCSO Aklan sa gobernador na bigyang konsiderasyon ang pagbalik ng operasyon ng mga laro sa ilalim ng ahensya dahil ito ang pangunahing pinagkukunan nila ng pondo para sa pagpondo ng mga health programs ng gobyerno at pagbibigay ng mga medical assistance.

Kaya naman inamyendahan ng gobernador ang inilabas niyang EO No. 022, Series of 2021, noong Setyembre 7, 2021 para bigyang daan ang hiling ng ahensya.

Epektibo ang bagong EO sa Setyembre 16, Huwebes.