Connect with us

Aklan News

LSIs mula sa mga high risk areas, hindi papapasukin sa Malay

Published

on

HINDI PAPAPASUKIN sa bayan ng Malay ang mga Locally Stranded Individual (LSI) na mula sa mga high risk areas ng COVID-19.

Base ito sa bagong labas na Executive Order No. 038 ni Mayor Frolibar Bautista ng Malay kung saan matatagpuan ang isla ng Boracay.

Gayunpaman, ang mga LSIs naman na mula sa mga low risk at moderate areas ay maaaring makapasok sa Malay at magbisita sa isla basta kumpleto ang kanilang mga dokumentong dala.

Narito ang mga dokumento na kailangan ng mga LSI para makapasok sa Malay:

1. Travel Authority mula sa Joint Task Force COVID Shield

2. Negative RT-PCR result mula sa DOH-Accredited Testing Laboratory

3. Certificate of Acceptance mula sa Local Government Unit at pakikipag-koordinasyon sa barangay na kanilang pupuntahan.

Simula sa July 23, 2020, hahanapan na ang mga LSIs ng Negative RT-PCR result.