Connect with us

Aklan News

LTO-AKLAN BUBUO NG ROAD CRASH INVESTIGATION TEAM

Published

on

LTO-AKLAN PRAYORIDAD NGAYON ANG INTERES NG MGA PASAHERO

Bubuo ng Road Crash Investigation Team ang Land Transportation Office o LTO Aklan bilang tugon sa sunod-sunod na mga road accidents na kinasasangkutan ng mga motoristang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak.

Ayon kay Engr. Marlon Velez, hepe ng LTO-Aklan kung hindi na kayang idaan sa simpleng paalala ay idadaan na aniya nila sa tamang pagdidisiplina.

Aminado si Velez na mahirap madakip ang mga indibidwal na nagmamaneho ng lasing dahil kalimitang lumalabas sila tuwing hatinggabi hanggang madaling-araw.

Ito rin aniya ang oras kung saan nangyayari ang mga aksidente sa kalsada na kinasasangkutan nila.

Dahil dito ay bubuo ang LTO Aklan ng nasabing grupo at magtatalaga ng tao na siyang reresponde sa lugar kapag may mangyaring aksidente.

Dito ay tutukuyin ng Road Crash Team kung ang mga sangkot sa aksidente ay lasing sa pamamagitan ng breath analyzer at alcohol test at kapag napatunayaan ay sasampahan ng kaso.

Naniniwala naman si Velez na kapag may masampolan na sila nito ay hindi na gagaya ang iba pang motorista na nagmamaneho ng lasing na nagiging dahilan ng mga aksidente sa kalsada.

Ang nasabing hakbang ng LTO Aklan ay maaaring magsimula na sa susunod na Linggo kapag naipalabas na ni Engr. Velez ang office order kaugnay nito at ang koordinasyon sa pulisya at iba pang reresponde sa mga aksidente.