Aklan News
LTO-AKLAN CHIEF: DRAYBER NG MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN NA MAHUHULING MAG-O-OVERCHARGE, TITIKETAN
Titiketan ng Land Transportation Office o LTO-Aklan ang mga drayber ng pampublikong sasakyan na maniningil ng labis na pamasahe.
Ayon kay LTO-Aklan chief Engr. Marlon Velez ito ang kanilang napagkasunduan sa isinagawang pagpupulong nitong Nobyembre 26 kasama ang mga driver/operators at iba pang transport groups sa probinsiya ng Aklan.
“Puwede namon sila ma-tiketan as overcharging, ang aton nga mga Highway Patrol Group (HPG) naglibot sa terminal, kabulig ang aton nga mga LTO enforcers kag mga police officer nga assigned sa traffic sa pag-monitor kag ang aton nga mga commuters nga kung may mga activities, kun may mga masobra sa pagpanukot sang mga PUJ drivers naton, pwede sanda maka reklamo sa amon, tandaan lang nila ang plate number kag kung ano nga adlaw ag ano nga oras natabo ang sobra nga pagpanukot”, ani Velez.
Aniya, ipinagbigay-alam niya sa mga transport sector sa Aklan na ibalik na sa normal ang presyo ng pamasahe, kung saan ang kanilang susunding taripa ay ang kanilang fare rate na ginagamit noong wala pang pandemya.
“…agod nga hatagan sang information, manduan nga ibalik sa dati ang pamasahe, when I say dati nga pamasahe, ang taripa…ang fare rate before sang pandemic. So, starting today (Monday), ang tanan nga mga pamasahe dapat balik na sa normal, sa dati nga before sang pandemic”, pahayag ni Engr. Velez.
Sa katunayaan ayon kay Velez ay walang permit ang mga driver at operators mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (MTFRB) na magpapataas ng singil sa pamasahe.
Saad pa ng hepe na noong pandemya ay nililimatahan lamang ang mga unit na maaaring maka-biyahe kaya dapat na nagtungo ang mga driver/operator sa LTFRB Region 6 upang kumuha ng permit para mabigyan ng pansamantalang awtoridad na makabiyahe at magkaroon ng fare increase.
Subalit dahil pandemya aniya at naiintindihan niyang mahirap ang bumiyahe papuntang Iloilo ay pinayagan niyang makapagbiyahe ang lahat ng unit ng mga pampublikong sasakyan gayundin ang pagtaas ng pamasahe.
Dagdag pa nito na mahigit isang taong at walong buwan na umano na nagtaas ng pamasahe ang mga driver at operator at inintindi sila ng mga pasahero dahil sa bayanihan spirit.
Sa ngayon aniya ay oras naman para ibalik ang pag-unawang ito sa mga commuters dahil bumalik na rin sa 70 percent ang kanilang seating capacity sa mga sasakyan at wala na ang mga barriers.
“…its been a long time, masobra na 1 year at 8 months to be exact nga nagapasaka sila sang pamasahe kag ang aton nga mga pasahero, aton nga mga commuters naga-intindi sa ila, because of bayanihan spirit kay kinahanglan man nila ang extra nga income, nagpasugot ang aton nga mga commuters. But this time, ibalik naton kay nagabalik naman sa 70 percent ang ila nga capacity kag ginpakuha ku naman ang mga barriers sa mga salakyan”, pahayag ni Engr. Velez.