Connect with us

Aklan News

LTO-AKLAN CHIEF: DRIVER’S EDUCATION, REQUIREMENT PARA SA LICENSE RENEWAL NA MAY 10 YEARS VALIDITY

Published

on

Kailangang sumailalim sa Comprehensive Driver’s Education o CDE ang mga driver’s license holder upang makapag-renew ng kanilang lisensiya na may 10 years validity.

Ayon kay Engr. Marlon Velez, hepe ng Land Transportation Office o LTO-Aklan na mag-uumpisa na silang mag-issue ng lisensiyang may 10 years validity sa unang linggo ng Disyembre.

Aniya ang CDE ang nadagdag sa mga requirements kung saan maaari ito makuha online sa kanilang website na lto.gov.ph.

Kapag na-access na ito ng mga licence holder ay maaari silang makapag-review dito bago kumuha ng examination.

Pagpapaliwanag ni Engr. Velez, dapat munang magkaroon ng account ang mga mag-aapply sa LTO upang sila’y magkaroon ng username at password.

Kapag mayroon ng account ang isang aplikante, kahit anong oras ay maaari silang makapag-exam dahil bukas ito 24/7.

Ang pagsusulit sa ilalim ng Comprehensive Driver’s Education ay mayroon lamang 25 items questions kung saan 13 points ang passing score.

Samantala, matatanggap naman ng mga aplikante ang kanilang certification sa kanilang email na ipapasa ng LTO.

Ang nasabing certification ang dadalhin ng mga aplikante sa opisina ng LTO upang makapag-renew ng kanilang driver’s license.

Nilinaw naman ni Velez na ang naturang exam ay para lamang sa mga magre-renew at hindi applicable sa mga new applicant ng driver’s license.

Binigyan-diin naman ni Velez na ang maaring magkaroon ng 10-years validity na driver’s license ay iyong mga walang record ng bayolasyon samantala pagkakalooban naman ng 5 years validity ang may maraming bayolasyon base sa kanilang record.