Aklan News
LTO Aklan chief sa bike lane sa Kalibo: “Hindi ko nakikita nga mabahoe ang bulig because sangkiri malang ang mga bicycle enthusiasts”
Hindi umano malaki ang naitutulong ng paglagay ng bike lane sa bayan ng Kalibo ayon kay LTO Aklan Chief Marlon Velez.
Sinabi ni Velez sa panayam ng Radyo Todo na kakaunti lang naman ang bilang ng mga bike enthusiasts kung ikukumpara sa mga tricycle at iba pang mga sasakyan.
“Personally, daw hindi ko nakikita nga mabahoe ang bulig because sangkiri malang ang mga bicycle enthusiasts kag mas abo ang mga tric ag kag iban nga mga saeakyan,” wika nito.
Para kay Velez, ang magandang naidulot lang nito ay mas naging malapad ag kalsada at pwede nang maikunsiderang 4 lanes.
Dagdag pa ni Velez, wala umanong koordinasyon at dapat na nagsagawa muna ng konsultasyon sa lahat ng mga stakeholders para mapag-usapan muna kung ano ang mas importanteng gawin.
Samantala, kaugnay naman sa mga pasaway na nagpaparada ng mga sasakyan sa bike lanes sa kabila ng mga pagbabawal.
Sinabi ni Velez na hindi na kailangan ng LTO ng municipal ordinance para makapanghuli dahil mayroon ng umiiral na polisiya at batas kaugnay sa illegal parking kaya maging ang DILG at PNP umano ay maaring manghuli.
“Kung sa amon nga pag-enforce sa opisina it LTO, there’s no need for municipal ordinance because we already have existing policies and laws with regards sa Illegal Parking, bisan ngani ang DILG ag PNP can enforce,” saad niya.
Pero bago umano ito, kailangan muna nilang makipagdayalogo sa lahat ng mga stakeholders para wala silang matapakan, “Pwede kami nga maka-enforce, but we have to meet with the stakeholders para wala man kami sang matapakan.”