Connect with us

Aklan News

LTO Aklan, Inisyuhan ng show cause order ang vlogger na naka-brief lamang at nag-exhibition habang nagmamaneho sa nat’l highway

Published

on

Archie Hilario-Pobreng Vlogger/Facebook
INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) Aklan ng show cause order ang vlogger na si Boy Kayak dahil sa umano’y reckless driving na makikita sa kanyang uploaded vlog na viral online.
Muling nag-trending si Boy Kayak sa social media matapos siyang makitang nagmamaneho ng top-down habang nakasuot lamang ng brief at nag-exhibition pa.
Sa panayam ng Radyo Todo kay LTO-Aklan chief Engr. Marlon L. Velez, inihayag nito na hindi nila kinukunsinti ang ganitong mga gawain at mahigpit nilang ipinatutupad ang mga batas trapiko.
Aniya, dahil sa ginawangang bayolasyon ni Boy Kayak, inisyuhan ito ng LTO ng show cause order upang magpaliwanag sa kanyang naging aksyon.
Dahil rin dito ay pagbabawalan din siyang magmaneho ng kahit anong klase ng behikulo.
Kung matatandaan, nauna na siyang ipinatawag ng LGU-Banga matapos sumayaw ng naka-brief sa Banga Rotonda kung saan umani ito ng negatibong komento mula sa mga netizen lalo na sa mga residente ng Banga, Aklan.l ulat ni Jisrel Nervar