Connect with us

Aklan News

LTO-AKLAN PRAYORIDAD NGAYON ANG INTERES NG MGA PASAHERO

Published

on

LTO-AKLAN PRAYORIDAD NGAYON ANG INTERES NG MGA PASAHERO

Prayoridad ngayon ng Land Transportation Office o LTO-Aklan ang interes ng mga pasahero sa buong probinsiya.

Ito ang pahayag ni LTO-Aklan chief Engr. Marlon Velez sa isinagawang pagpupulong nitong Biyernes, Nobyembre 26.

Ayon sa opisyal, kailangan lamang ng pagtutulungan at napapanahon na para ang mga commuters naman ang tulungan sa pamamagitan ng pagbabalik ng dating presyo ng pasahe sa mga Public Utility Vehicles (PUVs).

Aniya, mahigit isang taon at walong buwan ng tinulungan ng mga commuters ag mga drivers sa probinsiya dahil sa pandemya.

Unti-unti na aniya tayong bumabalik sa normal kaya’t malaking bagay para sa mga pasahero ang maibalik rin sa dati ang presyo ng pamasahe.

Ipinahayag ni Velez na pinapayagan niyang magsakay ng higit sa 70 percents capacity ang mga pampasaherong sasakyan basta’t nasisigurong ligtas ang mga pasahero.

Ito’y dahil hindi naman sa lahat ng oras ay punuan ang mga pampublikong sasakyan.

Dagdag pa nito na sakaling hulihin o sitahin man ng Highway Patrol Group (HPG) ang mga driver na nagsasakay ng higit sa 70% capacity ng pasahero ay handa siyang garantiyahan ang mga ito.

Samantala, ipinasiguro niya na bukas ang kanyang opisina para sa lahat at kung ano man ang mga nais ipaabot na problema o concerns ng mga drivers ay maaring nila itong iderikta sa kanya.

Simula sa Lunes, Nobyembre 29, ay balik na sa normal sa presyo ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan kaya’t nananawagan ang hepe ng LTO-Aklan ng pag-intindi mula sa panig ng mga drivers at commuters sa buong lalawigan ng Aklan.