Connect with us

Aklan News

LTO-KALIBO, SARADO MUNA PARA SA DISINFECTION MAKARAANG DAPUAN NG COVID-19 ANG ISANG EMPLEYADO

Published

on

Nagdesisyon si Land Transportation Office (LTO)-Aklan Chief Engr. Marlon Velez na pansamantalang isara ang Kalibo district office para sa disinfection.

Sa panayam ng Radyo Todo kaninang umaga kay Velez, kinumpirma nito na nagpositibo sa COVID-19 ang isa nilang empleyado na nagtatrabaho bilang inspector.

Kaya kailangan aniya na magsagawa ng disinfection at contact tracing sa opisina.

Mananatiling sarado ang opisina hanggat hindi natatapos ang contact tracing.

Ani Velez may transakyon ngayong araw hanggang bukas ay maaaring bumalik sa susunod na linggo.

Extended din ang validity ng mga requirements sa renewal gaya ng medical certificate at smoke emission test na nakuha na bago ang pagsara para magamit pa sa muling pagbukas ng opisina.