Connect with us

Aklan News

LUMAMPAS NA SA 100 ANG DAILY CASE NG COVID-19 SA AKLAN

Published

on

LUMAMPAS NA SA 100 ANG DAILY CASE NG COVID-19 SA AKLAN

110 ang naitalang bagong kaso ng CoViD-19 sa Aklan ngayong araw, pinakamataas na kaso ng probinsya simula noong nakaraang taon.

Base sa pinakahuling report ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, 954 na ngayon ang active cases.

Umakyat naman sa 84 ang namatay matapos madagdagan ng tatlo ngayong araw.

Muling nanguna ang bayan ng Kalibo sa may pinakamaraming bagong kaso na 24, Nabas-22, Tangala-21, Makato-17, New Washington-12, Numancia-7, Lezo-2 at tig-1 naman sa mga bayan ng Malinao, Balete, Banga, Batan at Ibajay.

Nadagdagan naman ng 37 ng mga bagong gumaling na may total recoveries na sa ngayon na 2556.

Sa kasalukuyan, may 3,594 kabuuang kaso ng CoViD-19 na ang Aklan.

 

Continue Reading