Connect with us

Aklan News

Lumang Kalibo-Numancia bridge kukumpunihin na ng DPWH-Aklan

Published

on

Pansamantalang isasara ang lumang Kalibo-Numancia Bridge sa darating na Hulyo 26 hanggang Agosto 2, 2023.

Ito ay upang bigyang-daan ang pagsasa-ayos ng nasabing tulay matapos masira dahil sa matinding pag-ulan noong Oktubre 2022 dala ng bagyong Paeng.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Aklan District Engineer Gener Abergas, lalagyan nila ito ng sheet pile at revetment wall upang maiwasang masira ang ilalim na bahagi ng tulay.

Aniya pa, nagpadala na sila ng abiso sa alkalde ng bayan ng Numancia at bayan ng Kalibo hinggil sa pansamantalang pagsasara ng nasabing tulay.

Dagdag pa ni Abergas, nakipag-ugnayan na rin sila sa Numancia PNP at Kalibo PNP upang magbigay ng assistance sa pagsasa-ayos ng daloy ng trapiko habang kinukumpuni ang Kalibo-Numancia bridge.