Aklan News
Lupang pagtatayuan ng Kalibo Public Market pasado sa soil test
Nakapasa sa isinagawang soil test ang lupang pagtatayuan ng bagong Kalibo Public Market.
Natapos na kahapon, Oktubre 3 ang pagsasagawa ng anim na araw na soil test na inumpisahan noong Setyembre 28, 2022 ayon kay trailing operator Jovin Mangubat at Raymond Baklas.
Ang soil testing ay importante bago simulan ang pagtatayo ng isang gusali para malaman kung ito ba ay angkop at ligtas na pagtayuan ng imprastraktura.
Kung matatandaan, sinabi ni Kagawad Mark Sy, designated Spokesperson ng Office of the Municipal Mayor na sinisikap ng lokal na pamahalaan na makapagsagawa na ng groundbreaking para sa naturang palengke bago matapos ang 100 days sa puwesto ni Kalibo Mayor Juris Sucro.
Nabanggit din nito na may kaunting babaguhin sa naunang disenyo ng public market dahil hindi sapat ang pundong nakalaan para dito sa unang balak na 5-storey building.