Connect with us

Aklan News

Luxury cruise ship na MS Seabourn Encore dadaong sa Boracay Island

Published

on

Matapos ang mahigit dalawang taong pandemya, isang luxury cruiseship ang nakatakdang dadaong sa isla ng Boracay sa Pebrero.

Pinaghahandaan na ngayon ng Aklan Government at Malay Tourism Office ang pagbisita ng MS Seabourn Encore sa Boracay sakay ang halos 600 na pasahero.

Ang pagdaong ng MS Seabourn Encore sa isla ng Boracay ay bahagi lamang ng 14 na araw nitong paglalakbay mula Pebrero 5 hanggang 19 upang bisitahin ang Singapore, Pilipinas at Malaysia.

Magtatagal sa isla ng walong oras ang naturang luxury cruise ship bago magtungo sa Kota Kinabalu, Malaysia at Singapore.]

Bago ang Boracay, dadaan muna ito sa Puerto Princesa, Coron at Manila.

Ang MV Seabourn Encore ay isang luxury cruise ship na ginawa ng kompaniyang Fincantieri sa Italya para sa Seabourn Cruise Line.

Hindi nakakapagtaka na mayroon itong 300 suites dahil sa haba nitong 690 feet at halos 92 feet ang naman ang lawak nito.

Maliban sa suites, mayroon din itong limang dining venue at 24-hour room service.