Aklan News
MAAGA PA ANG PAMULITIKA – CRUZ-AM
ROXAS CITY – Masyado pang maaga upang magplano at mamulitika ang mga nakaupong lideres dito sa Capiz ayon kay dating kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, Aldwin Cruz-Am.
Sa panayam sa kanya ni Katodong Cyril Simpas ng programa ‘Todo Latigo’ ng Radyo Todo Capiz 97.7 FM kaninang umaga, nasabi ito ni Cruz-Am dahil natanong kung ano ang kanyang paningin sa mga lumalabas nga bali-balitang tatakbong gobernador si dating Roxas City Mayor Angel Alan B. Celino sa ilalaim ng liderato ni dating DILG Sec. Mar Roxas.
Matatandaan na noong nakaraang lingo lumabas sa media na hinihingan ni Mambusao Mayor Leodegario Labao, Jr. ng tig-limang libong piso si Gov. Evan Contreras para sa bawat isang alkalde ng mga bayan dito sa Capiz para tuloy-tuloy ang suporta nila kay Contreras hanggang sa susunod na eleksyon na madali ring itinanggi ni Labao. Ayon kay Labao, bilang Presidente ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Capiz Chapter, gusto nitong mabigyan ang lahat ng mga alkalde dito ng sapat na pondo mula sa kaban ng probinsya para maitaguyod nila ang kani-kanilang mga proyekto.
Si Labao ay kilalang kaalyado ni Second District Cong. Fredenil ‘Oto’ Castro na isang kasapi ng United Nationalist Alliance (UNA). Samantalang si Contreras ay kasapi ng Partidong Liberal ngunit tumakbo ito laban sa itinayong kandidato mismo ng liberal sa pagka gobernador na si dating Gov. Antonio Del Rosario.
Ayon kay Cruz-Am, ang pagka liberal ni Contreras ay ayon sa kanyang pagka ‘liberal minded’ na hindi sumusunod sa maling pagpapatakbo nga LP dito sa probinsya hindi kagaya ng pagpapatakbo sa nasyonal. Subalit kahit maaga pa at hindi pa masasabing meron ng pagpapalakas ng plano pulitikal, hindi maitanggi ni Cruz-Am na bawat kilos sa ngayon ng mga pulitiko ay may bahid preparasyon sa hinaharap.