Connect with us

Aklan News

Mabigat na responsibilidad kaakibat ng baril na nakasukbit sa bewang ng pulis – Malay PNP chief

Published

on

Napakabigat po ng responsibilidad natin sa baril na ‘yan na nakasukbit sa bewang natin.”

Ito ang binigyan diin ni PLt. Col. Don Dicksie De Dios sa kanyang mensahe sa isinagawang 1st Malay PNP Firearms Proficiency Exercise nitong Hunyo a-9.

“It is a must and with that critical and deadly tool comes great responsibility. Napakabigat po ng responsibilidad natin sa baril na ‘yan na nakasukbit sa bewang natin,” ani De Dios.

Saad pa ng hepe, responsibilidad ng bawat pulis kung saan tatama o papatak ang kada balang lalabas sa kanilang mga baril.

“Once na may balang lumabas d’yan sa barrel o kanyon ng ating issued firearms, responsibiladad natin yan kung saan tatama at kung saan papatak ang bala na yan,” pahayag nito.

“Kaya, kada kalabit niyo d’yan, dapat sa intented target ninyo o threat tatama iyang slug na yan. Dahil kung hindi, pananagutan natin ‘yan,” dagdag pa ni PLt. Col. De Dios.

Dagdag pa ni De Dios, ang baril ng mga kapulisan ay bahagi ng kanilamg uniporme.

“It is not just for display or show. Part ng uniporme natin ang baril na ‘yan na nakasukbit sa bewang natin.”

Dahil dito, nararapat lamang aniya na magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga pulis sa paggamit ng kanilang mga baril.