Connect with us

Aklan News

Mag-amang Aklanon na nasawi sa Maguindanao massacre, nakamit ang hustisya matapos ang 10 taon

Published

on

Credits to the owner.

Kalibo, Aklan – Makalipas ang sampung taon ay nakamit din ng mag-amang Oquendo ang hustisya sa karumal-dumal na Maguindanao Massacre nang mahatulang guilty ng Quezon City Regional Trial Court ang mga Ampatuan.

Sila ay ang mag-amang Altavasnon na sina Catalino Oquendo Jr., at Atty. Cynthia Oquendo-Ayon na siyang abogado ng mga Mangudadatu.

Kasama si Atty. Oquendo at ang kanyang ama sa convoy na ang misyon ay mag-file ng certificate of candidacy ni Esmael Mangudadatu ngunit hinarang sila ng mga tauhan ng Ampatuan.

Isa si Atty. Maria Gemma Oquendo sa mga abogado na nakipaglaban upang makamit ng kanyang kapatid at ama ang hustisya.

Naging mahirap para sa kanya na tumayo sa korte sa harap ng mga tinuturong utak ng pagpatay sa kanyang mga mahal sa buhay.

Si Catalino Oquendo ay dating municipal treasurer, nakapagtapos ng kursong Law ngunit nabigong makakuha ng bar exam kaya’t pinagpatuloy ng kanyang dalawang anak na si Cynthia at Gemma ang kanyang pangarap na maging abogado.