Aklan News
Mag-asawa, nagtamo ng sugat dulot ng pgkapaso makaraang masunog ang kanilang bahay
Nagtamo ng sugat dulot ng pagkapaso ang mag-asawa makaraang masunog ang kanilang bahay alas 9 kagabi sa Brgy. Kinalangay Viejo, Malinao.
Nakilala ang mag-asawang sina Alberto Berdandino, 63 at Bella Berdandino, 59.
Sa nakuhang impormasyon ng Radyo Todo sa mga biktima, nagising na lamang umano sila na nasusunog na ang kanilang kusina matapos nagluto umano ang kanyang pamangkin.
At dahil sa pagkagulat, nagpanic na umano silang mag-asawa sa pag-apula ng apoy.
Duda ni nanay Bella, na dahil sa naiwang baga sa lutuan ang dahilan ng sunog dahil na rin umano sa lakas ng hangin kagabi dagdag pa na may nakaimbak na panggatong malapit sa kanilang lutuan.
Ayon naman kay tatay Alberto, sa kabila ng paso na kanyang natamo sinikap pa rin niya umano na apulahin ang apoy para maisalba ang kanilang mga kagamitan.
Nalapnos ang talampakan ni nanay Bella mtapos maapakan umano nito ang nasusunog na plastik, may paso din siya sa dalawang paa at mga braso habang sa kamay, paa at ulo naman ang inabot ng apoy kay tatay Alberto.
Kasalukuyang naka confined ngayon sa ospital ang mag-asawa.