Connect with us

Aklan News

Mag-asawang sakay ng traysikel, sugatan matapos bumangga sa SUV

Published

on

Kapwa sugatan ang mag-asawang sakay ng traysikel matapos aksidenteng bumangga sa SUV alas 9:00 kagabi sa highway ng Bulwang, Numancia.

Nakilala ang mga biktimang sina Ermito Tabigue, 69 anyos at asawa nitong si Loveline Tabigue, 72 anyos ng Cajilo, Makato, habang nakilala naman ang driver ng SUV na si Rainer Sualog, 42 anyos ng Villa Peraz Subdivision, New Buswang, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, papunta noon sa direksyon ng Numancia ang mag-asawa nang maputol umano ang chassis ng nasabing traysikel, at natanggal din ang tubo ng steering bar nito, rason na nawalan ng kontrol sa manobela ang driver na si Ermitito.

Kasunod nito, diretsong bumangga sa SUV na papunta naman sa direksyon ng Kalibo ang traysikel, rason na tumilapon sa kalsada ang mga biktima.

Kaagad namang dinala sa ospital ang mag-asawa, habang naiwan naman sa lugar ang traysikel na minarapat pagtulungang itabi ng mga residente doon.

Pansamantala namang nasa impounding area ng Numancia PNP ang SUV para sa karampatang disposisyon.