Aklan News
MAG-IINA, NAGSUMBONG SA PULISYA MATAPOS TAKUTIN NG MISTER NA PAPATAYIN GAMIT ANG ITAK AT GRANADA
Nagsumbong sa pulisaya ang isang ina sa Brgy. Magallanes, Nabas dahil sa emosyonal na pang-aabusong nararanasan sa kanyang mister.
Ayon sa hindi na pinangalanang misis, pinagtangkaan silang mag-iina na papatayin ng kanyang asawa gamit ang isang itak at pinalalayas sa kanilang bahay nitong gabi ng Lunes.
Bago ito, pinakitaan pa di umano sila ng suspek na si Elizer Flores, 49 anyos, ng granada na pinahawak pa nito sa kanyang menor-de-edad na anak.
Nagdala ito ng matinding takot sa mag-iina kaya’t nagsumbong na siya sa pulisya.
Agad naman na pinuntahan ng Nabas PNP ang suspek at narekober ang isang hand grenade na tinapon ng suspek sa may puno ng saging ng makita ang presensya ng kapulisan.
Pansamantalang ikinulong ang suspek sa Nabas PNP habang naiturn-over na ang granadang narekober sa opisina ng EOD para sa karampatang disposisyon.