Connect with us

Aklan News

Mag-ina sugatan matapos maaksidente sa sinasakyang traysikel

Published

on

Nakaladkad ng minamanehong tricycle ang isang ina habang nahulog naman ng anak nito dahil sa aksidente kahapon sa Brgy. Tigayon, Kalibo.

Batay sa report, pauwi na sana ng Lezo ang mag-ina nang tumigil muna sa lugar para tignan ang gulong ng motor.

Ngunit aksidente umanong napiga ng naturang nanay ang manibela rason para umandar ito at dumeretso sa kabilang linya ng kalsada.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang naturang ina.

Samantala, nahulog rin ang angkas nitong anak dahil sa impact ng pagkabangga ng tricycle sa isang waiting shed rason para magtamo rin ito ng mga galos sa mukha at iba pang bahagi ng katawan.

Mabilis namang rumesponde sa lugar ang mga otoridad at binigyan ng paunang-lunas ang mga biktina bago dalhin sa ospital.