Connect with us

Aklan News

Mag-live in na natimbog sa drug buy bust ops sa Libacao, nagpositibo sa drug test

Published

on

Nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga ang maglive-in partner na natimbog sa drug buybust operation nitong gabi ng Sabado, Agosto 10 sa Brgy. Poblacion, Libacao.

Kinilala ang Street Level Individual (SLI) na mag live-in partner na sina alyas “Totot” at alyas “Joy” parehong nasa legal ang edad at kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar.

Kung matatandaan, nabilhan ang dalawa ng isang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 na buy bust money.

Dagdag na isa pang sachet ng shabu ang narekober sa kama ng magkarelasyon gayundin ang mga drug paraphernalia tulad ng aluminum foil, lighter at tooter.

Napag-alaman na sa kanilang bahay mismo pumupunta ang kanilang mga parokyano.

Samantala, nakatakda ring i-inquest ngayong araw ang maglive-in para harapin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.