Connect with us

Aklan News

Mag live-in partner na SLI sa Libacao, tiklo sa drug buy bust ops

Published

on

TIMBOG sa ikinasang drug buy bust operation ng mga operatiba ang maglive-in partner na parehong Street Level Individual (SLI)  sa Poblacion, Libacao, Aklan nitong Sabado.

Kinilala ang dalawa na sina alyas “Totot” at alyas “Joy”, residente ng naturang lugar.

Nabilhan sila ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng P1,000 na buy bust money.

Narekober din ng mga otoridad ang isang sachet ng suspected shabu sa kanilang kama, mga drug paraphernalias at iba pang non drug items.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Libacao PNP ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.